Duterte sa mga botante: Alalahanin ang Edsa People Power sa pagboto sa 2019 elections

By Angellic Jordan February 25, 2019 - 01:45 AM

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na alalahanin ang 1986 Edsa People Power sa pagpili ng mga ibobotong kandidato sa 2019 midterm elections.

Sa kaniyang mensahe para sa ika-33 anibersaryo ng Edsa revolution, pinuri ng pangulo kung paano ipinakita ng mga Pilipino sa mundo na maaaring mabago ang kasaysayan sa hindi marahasan na pamamaraan.

Ang maayos na Edsa revolution aniya ang nagbuklod sa mga Pilipino para muling ibangon ang Pilipinas noong February 1986.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na alalahanin ang makasaysayang rebolusyon para sa kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng tamang pagboto sa eleksyon.

Umaasa naman ang pangulo na ang nasabing kasaysayan ay magsisilbing inspirasyon lalo na sa mga kabataan para pahalagahan ang naipanalong kalayaan sa Edsa revolution.

Dagdag pa nito, huwag din aniyang kalimutan ang mga nagsakripisyo upang protektahan at panatilihin ang demokrasya sa bansa.

Samantala, hindi dadalo ang pangulo sa isasagawang Edsa People Power rites sa Lunes.

Nakatakdang pangunahan ni Duterte ang unang National Assembly ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

TAGS: 2019 elections, EDSA People Power Revolution, Pangulong Duterte, 2019 elections, EDSA People Power Revolution, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.