Napili si dating Interior Secretary Rafael Alunan III para makumpleto ang senatorial slate ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2019 midterm elections.
Sa ipinadalang mensahe sa Inquirer.net, kinumpira ito ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas n Bayan o PDP-Laban.
Ayon kay Pimentel, kasama na si Alunan sa PDP LABAN MABAGOKOTO rally sa Biñan, Laguna noong Sabado.
Si Alunan ang ikapitong guest senatorial candidate ng PNP-Laban na ieendorso ng pangulo.
Namuno bilang kalihim sa DILG si Alunan sa termino ni datig Pangulong Fidel V. Ramos.
Sa talumpati sa Biñan rally, isinalarawan ni Duterte si Alunan bilang ‘brightest’ Cabinet member sa panahon ng administrasyong Ramos.
Naging kalihim din ng Department of Tourism (DOT) si Alunan sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.