Timbog ang isang hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) sa buy-bust operation sa Zamboanga City, Linggo ng umaga.
Naaresto ang 34-anyos na suspek makaraang mahuli sa akto ang pagbebenta ng bawal na gamot sa bahagi ng Barangay Mampang.
Ayon kay Chief Insp. Salvador Galvez, pagtitinda ng isda ang pinagkakabuhayan ng suspek.
Nagtutungo lang aniya ang suspek sa Barangay Mampang sa tuwing magbebenta ng ilegal na droga.
Nakuha sa suspek ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P2,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.