Lalaking nahulihan ng granada sa MRT, nakasuhan na

By Isa Avendaño-Umali February 24, 2019 - 12:09 PM

 

Hinimok ng pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit o DOTr MRT-3 ang publiko na palaging maging mapagmatyag laban sa mga kahina-hinalang tao o bagay sa mga tren o istasyon.

Ang pahayag ay kasunod ng pagkaka-aresto sa isang lalaki sa MRT Cubao Station makaraang madiskubre sa kanyang bag ang isang granada.

Ang suspek na si Christian Guzman ay nakasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Ammunition and Explosives, at ngayo’y nasa kustodiya ng Cubao Police.

Sa inilabas na statement ng DOTr MRT-3, kanilang iginiit na siniseryoso nila ang naturang insidente.

Sakaling may makita o mapansin ang mga pasahero na kaduda-dudang mga tao, bagay o kilos, agad anilang i-report sa mga security personnel ng MRT o sa mga pulis.

Humingi rin ang DOTr MRT-3 sa publiko ng pang-unawa at koopersyon sa gitna ng pinahigpit na security measures na ipinatutupad sa mga istasyon ng MRT.

Sana ay maintindihan ng mga tao na ang mga paghihigpit ay layong maprotektahan ang mga pasahero, dagdag ng ahensya.

 

TAGS: MRT, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.