Venezuelan Pres. Maduro, pinutol na ang relasyon sa Colombia
Inanunsyo ni Venezuela President Nicolas Maduro na kanyang pinuputol na ang lahat ng diplomatic ties sa Colombia.
Ito ay sa gitna ng stand-off o gulo sa border ng dalawang bansa.
Ikinadismaya ni Maduro ang pagtulong umano ng Colombia sa isang “opposition aid effort.”
Ipinag-utos na rin ni Maduro na umalis ang lahat ng Colombia diplomats na nasa Venezuela, sa loob ng bente kwatro oras.
Nagbanta pa si Maduro ng “military action” laban sa Estados Unidos, na inaakusahang bahagi ng plano ng kudeta.
Pero sa statement ng Foreign Ministry ng Colombia, sinabi nito na hindi kinikilala ng kanilang bansa ang pahayag at utos ni Maduro.
Batay sa huling ulat, dalawa na ang nasawi habang aabot na sa 285 na katao ang nasaktan sa tensyon sa border.
May mga trak, na may dalang humanitarian aid, ang sinunog. Habang ang ibang aid trucks ay pinababalik na lamang dahil sa nagpapatuloy na karahasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.