Duterte, dadalo sa 2 events sa Cebu City bukas

By Len Montaño February 23, 2019 - 10:10 PM

Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa magkasunod na events sa Cebu City Linggo ng gabi (February 24).

Ayon sa Philippine Information Agency sa Central Visayas (PIA-7), inaasahang mamamahagi ang Pangulo ng tulong sa mga beneficiaries ng conditional cash transfer program sa Cebu Technological University sa M.J. Cuenco Avenue alas 6:00 ng gabi.

Pangngunahan ng Pangulo ang distribusyon ng grants sa 1,500 beneficiaries kasama si Social Welfare Secretary Rolando Bautista.

Sunod na aktibidad ng Pangulo ang talumpati sa Plaza Independencia para sa proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Tinatayang 80,000 katao ang dadalo sa rally ng partido ni Duterte.

Inaasahan ang mahigpit na seguridad sa lugar dahil sa magkasunod na events ng Pangulo.

Bawal ang pagdadala ng backpack, bottled water, at matatalim na bagay sa Plaza.

Nagbabala rin ng posibleng signal jamming at nagdeklara ng red alert ang Police Regional Office 7 (PRO-7) sa pagbisita ng Pangulo.

TAGS: Cebu City, Cebu Technological University, conditional cash transfer program, PDP Laban, Plaza Independencia, proclamation rally, Rodrigo Duterte, Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Cebu City, Cebu Technological University, conditional cash transfer program, PDP Laban, Plaza Independencia, proclamation rally, Rodrigo Duterte, Social Welfare Secretary Rolando Bautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.