US Secretary of State bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

By Den Macaranas February 23, 2019 - 10:06 AM

AP

Kinumpirma ng White House na darating sa bansa sa susunod na linggo si US Secretary of State Mike Pompeo.

Sinabi ni State Department Spokesman Robert Palladino na magkakaroon ng pulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pompeo sa gagawing pagdalaw ng US official mula February 28 hanggang March 1.

Pagkatapos ng kanyang Manila visit ay tutuloy si Pompeo sa Hanoi, Vietnam para samahan si US President Donald Trump sa isang summit kung saan ay makakapulong naman nila sa ikalawang pagkakataon si North Korean leader Kim Jong Un.

Sinabi ng ilang White House insider na importante ng pulong nina Duterte at Pompeo para sa pagpapalakas ng ugnayan at bilateral relations ng Pilipinas at US.

Ito ay sa kabila nang tensyon na nararanasan ngayon sa West Philippine Sea.

Bagaman nananatiling kritiko ng US si Duterte ay naging maganda naman ang ugnayan nila ni Trump ayon pa sa pahayag ng White House.

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police na nakalatag na ang seguridad sa pagbisita ni Pompeo kung saan ang Presidential Security Group ang siyang mangunguna sa pagbibigay ng close-in security sa naturang top US envoy.

TAGS: duterte, PNP, pompeo, PSG, secratry of state, trump, us envoy, Vietnam, duterte, PNP, pompeo, PSG, secratry of state, trump, us envoy, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.