Illegal campaign posters babaklasin na sa February 28

By Rhommel Balasbas February 23, 2019 - 02:19 AM

Ipinag-utos ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baklasin na simula February 28 ang illegal campaign posters ng mga kandidato sa halalan sa Mayo.

Matatandaang bago magsimula ang election period noong February 12 ay binigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na tanggalin ang kanilang illegal campaign materials.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na posters ay ang mali ang sukat at nasa labas ng mga common poster areas.

Bukod dito, sisimulan na rin ng Comelec ang proseso ng pagkakaso sa mga kandidato na posibleng magresulta sa diskwalipikasyon sa halalan.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maituturing pa ring election propaganda ang posters na may mga pagbati sa publiko bagaman hindi nanghihimok na iboto ang isang partikular na kandidato.

Ayon sa binuong Task Force Baklas, walang posters na palalampasin kahit pa kasama ng kandidato si Pangulong Rodrigo Duterte.

Babala naman ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar, ikukulong na rin ang mga supporters na mahuhuling nagkakabit ng illegal posters

TAGS: babaklasin, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, common poster areas, illegal campaign materials, babaklasin, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, common poster areas, illegal campaign materials

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.