SWS: Mas maraming pamilya, nabiktima ng common crimes sa 4thQ ng 2018
Umabot sa 1.8 milyong pamilyang Pilipino ang nabiktima ng common crimes sa huling bahagi o 4th quarter ng taong 2018.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula December 16 hanggang 19, nasa 7.6 percent ng pamilyang Pinoy ang nabiktima ng mga krimen gaya ng pickpocket o robbery, break-in, carnapping at physical violence.
Ito ay 1.5 puntos na mas mataas sa 6.1 percent o 1.4 milyong pamilya na naitala noong September 2018.
Nananatiling marami ang nabiktima ng common crimes sa Metro Manila na 10 percent, sinundan ng Mindanao 8.3 percent at Visayas 2.5 percent.
Karamihan ay mga biktima ng street robbery na 5.2 percent o 1.2 milyong pamilya habang 2.8 percent o 655,000 pamilya ang biktima ng break-in.
Samantala, mas mas maraming Pilipino o 61 percent ang takot na pasukin ang kanilang bahay ng mga magnanakaw, mas mataas sa 52 percent sa nakaraang survey.
Tumaas naman sa 54 percent mula 46 percent ang mga Pinoy na takot maglakad sa mga kalsada sa gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.