Pagbawi ng FDA sa permit ng Dengvaxia gagamiting ebidensya ng PAO
Binabalak ng Public Attorneys Office (PAO) na gamiting ebidensiya sa mga kasong may kinalaman sa Dengvaxia ang pagbawi ng Food and Drug Administration sa certificate of product registration o CPR ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine.
Pagdidiin ni PAO Chief Persida Acosta katibayan ang naging hakbang ng FDA na hindi nakasunod ang Sanofi-Pasteur dahil may mga namatay na nabakunahan.
Aaniya isusumite nila sa DOJ panel ang revocation ng CPR bilang supplemental sa 35 reklamo na kanilang inihain.
Ayon pa kay Acosta sa naging hakbang ng FDA ay patunay lang ng papanagutan ng mga sangkot sa mass vaccination ng Dengvaxia.
Noong Disyembre 21, binawi ng FDA ang CPR para sa Dengvaxia dahil sa patuloy na kabiguan ng Sanofi Pasteur na makasunod sa mga ipinag-uutos ng ahensiya.
Bunga nito, ipinagbabawal na ang pagbebenta at paggamit ng Dengvaxia sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.