Sen. Pacquiao sa mga bumabatikos kay Karen Davila: Stop the hate
“Stop the hate”
Ito ang naging pahayag ni Senador Manny Pacquiao matapos makatanggap ang mamamahayag na si Karen Davila ng negatibong puna sa social media.
Nag-viral kasi ang bahagi ng interview ni Davila kung saan hiningan ang senador ng opinyon ukol sa panukalang pagkakaroon ng college degree ng mga tatakbong senador at pangulo.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Pacquiao na hindi sumama ang kaniyang damdamin sa paraan ng pagtatanong ng mamamahayag.
Bilang isang batikang mamamahayagn, sadya aniyang trabaho ni Davila na magbigay ng mabibigat na tanong sa kaniyang mga nakakapanayam.
Ipagpatuloy na lang aniya ang trabaho kaysa sa pagkakalat ng negatibong puna sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.