Solar e-jeepneys, nagsimula nang bumiyahe sa Alabang-Zapote
Umarangkada na ang mga electronic jeepneys na may byaheng Alabang-Zapote.
Sa ngayon ay limitado pa lamang ang bilang ng mga ito.
Nakapag-palabas na ng 15 unit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), South Metro Transport Cooperative, at Star Eight.
Pinagpa-planuhan pa ang pagdagdag ng mahigit sa 100 e-jeepneys.
Ang mga nasabing solar jeepneys ay may GPS, Wi-Fi, CCTVs, automated fare collections system, at USB charging ports.
Ang mga sasakyan ay kailangan lamng i-charge ng sampung oras.
Ang isang unit ay makapagsasakay ng 20 pasahero at latulad ng mga karaniwang jeep, ang pinakamababang pasahe ay P9.
Sa ngayon ay mayroon nang 45 driver at operators ang byaheng Alabang – Zapote.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.