2 gunrunning suspects patay sa engkwentro sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2019 - 12:54 PM

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng gunrunning syndicate sa operasyon ng mga otoridad sa Maynila.

Naganap ang engkwentro sa Jones Bridge alas 3:15 ng madaling araw ng Biyernes, Feb. 22.

Ikinasa ng mga tauhan ng Manila Police District ang buy-bust operation laban sa suspek na si Martin Gomez at isang pang hindi nakikilalang kasama nito.

Nagkasundo umano sina Gomez at ang undercover agent ng pulisya na magkabentahan ng 45 caliber pistol sa halagang P10,000.

Gayunman, natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya nagpaputok ang mga ito at tinangkang tumakas.

Tinakasan din ng dalawa ang checkpoint ng Ermita Police Station malapit sa Manila City Hall.

Naisugod pa sa ospital ang kasama ni Gomez pero binawian din ng buhay.

Nakuha sa lugar ang isang motorsiklo na walang plaka, tatlong baril na kargado ng mga bala, ilang sachet ng shabu, at ang perang ginamit sa transaksyon.

TAGS: gun-running, Jones bridge, manila police, shootout, gun-running, Jones bridge, manila police, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.