Comelec iniutos ang pagtatanggal ng ilegal na campaign tarpaulin sa Pasay City
Ipinag-utos ng Commission on Elections ang pagbabaklas ng isang ilegal na campaign tarpaulin sa Pasay City.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang nasabing tarpaulin ay nasa Barangay 156.
Sinabi ni Guanzon, ilegal ang tarpaulin, pero hindi naman nito tinukoy kung sinong kandidato ang nasa campaign material.
Ilang ulit na umano niyang ipinaawagan ang pag-alis sa nasabing tarp pero bigo ang kandidato at kaniyang supporters na alisin ito.
Sinabi pa ni Guanzon na nakakahiya naman kung ang mga opisyal pa ng Comelec ang magtatanggal ng tarpaulin.
Pagkatapos mabaklas sinabi ni Guanzon na gagamitin ang nasabing tarp bilang ebidensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.