Patay sa sunog sa Bangladesh umabot na sa 81

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 22, 2019 - 11:48 AM

Reuters Photo
Mahigit 81 katao na ang bilang ng nasawi sa sunog sa Bangladesh.

Tinupok ng apoy ang mga kabahayan at mga estabisyemento sa Dhaka, Bangladesh at mabilis ang naging pagkalat ng apoy dahil kabilang sa nasunog ay imbakan ng kemikal.

Nagsimula umano ang sunog sa isang gusali sa Chawkbazar.

Ayon sa fire officials, karamihan sa mga nasawi ay na-trap sa kani-kanilang mga bahay habang mabilis na kumalat ang apoy.

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa sunog at mayroon pang mahigit na 50 ang sugatan. Siyam sa kanila ang kritikal ang kondisyon.

Ayon kay Dhaka Fire Service and Civil Defence control room official Mahfuz Riben, patuloy pa ang pag-recover ng kanilang team sa mga katawan ng mga nasunog na biktima.

TAGS: Bangladesh, fire incident, Bangladesh, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.