Fish vendor arestado matapos mahulihan ng baril sa Oriental Mindoro

By Angellic Jordan February 22, 2019 - 07:58 AM

Arestado ang isang fish vendor makaraang mahulihan ng baril sa isang checkpoint sa Mansalay, Oriental Mindoro Huwebes ng umaga.

Inaresto ang suspek na si Recardo Gusi, 42-anyos, sa itinalagang checkpoint sa bahagi ng Strong Republic Nautical Highway sa Barangay Teresita bandang alas tres kwarenta y singko ng madaling-araw.

Ayon kay acting Mimaropa police information officer Supt. Socrates Faltado, si Gusi ay residente ng bayan ng Rizal sa probinsya.

Nakuha sa suspek ang isang calibre .38 revolver na kargado ng anim na bala.

Sa ngayon, si Gusi ay nasa kustodiya ng Mansalay police.

TAGS: fish vendor, Gun ban, Oriental Mindoro, fish vendor, Gun ban, Oriental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.