P20K halaga ng marijuana nakumpiska sa dalawang suspek sa Pasig

February 22, 2019 - 06:45 AM

Arestado ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Pasig City.

Ikinasa ang operasyon, Biyernes (Feb. 22) ng madaling araw kung saan target ang isang lalaki na nakatira sa Greenwoods Executive Village.

Ayon kay Chief Insp. Allan Miparano ng Eastern Police District (EPD), ang nasabing suspek ay itinuro ng isang estudyante na kaniyang pinagbilhan ng droga.

Maliban sa suspek na siyang nagbebenta ng marijuana, naaresto din ang kaniyang nagsisilbing runner.

Nakuha sa kanila ang 12 tea bag na may lamang marijuana at nagkakahalaga ng P20,000.

Aminado naman ang suspek na ang ibinebenta niyang marijuana ay mula Mountain Province.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.