Napoles, pinayagang dumalo sa PDAF scam hearing sa Sandiganbayan
Pinayagan ng Korte Suprema na makadalo si Janet Lim-Napoles sa mga pagdinig ukol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam sa Sandiganbayan.
Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, pinayagan ang hiling ng Sandiganbayan para mailipat si Napoles mula Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City sa anti-graft court sa Quezon City para sa mga pagdinig.
Kadalasan kasi hindi pinahihintulutan ang mga na-convict sa plunder case na makaalis ng kulungan.
Ngunit, magiging ‘counter-productive’ aniya kung hindi pagbibigyan ang hiling ng Sandiganbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.