Malacañang: Pasaring ni Pope Francis hindi para kay Duterte

By Chona Yu February 21, 2019 - 04:22 PM

Hindi tinatamaan ang Malacañang sa pasaring at pahayag kahapon ni Pope Francis na kaibigan, pinsan at kamag anak ni Satanas ang mga kritiko ng simbahang katolika.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi si Pangulong Duterte ang tinutukoy ng Santo Papa lalo’t maaring hindi rin kilala ng lider ng simbahang katolika ang punong ehekutibo.

Sinabi pa ni Panelo na mismong si Pope Francis na rin ang numero unong kritiko ng simbahan kung saan binabatikos nito ang mga paring nasasangkot sa imoralidad, sexual harassment at iba pang mga kontrobersiya.

Ayon kay panelo na maaring hyperbole’ lamang ang naging pahayag ni Pope Francis na kamag anak ni Satanas ang mga bumabatikos sa simbahan.

Kamakailan lamang ay binatikos rin ni Pope Francis ang mga pari na sangkot sa panggagahasa sa ilang mga madre at kabataan.

TAGS: catholic church, duterte, hyperbole, panelo, pope francis, catholic church, duterte, hyperbole, panelo, pope francis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.