70 patay, 50 sugatan sa malaking sunog sa Bangladesh
Patay ang pitumpung katao habang limampu naman ang lubhang nasugatan sa sumiklab na sunog sa limang gusali sa Dhaka, Bangladesh.
Ayon kay Fire Department Director General Brig. Gen. Ali Ahmed, nagsimula ang sunog sa isang gusali sa Chawkbazar at mabilis itong kumalat.
Tumagal ng halos sampung oras ang sunog bago idineklarang fire under control.
Ayon naman kay Mahfuz Riben, Fire Service and Civil Defense control room official sa lugar, marami sa mga biktima ang na-trap sa loob ng mga gusali.
Patuloy naman aniya ang rescue operation sa lugar.
Samantala, dinala na ang pitumpung nasawi sa Dhaka Medical College Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.