DFA inihirit sa Israel na tratuhin ng maayos ang mga overstaying ng Filipino migrants

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2019 - 10:53 AM

Nakiusap ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamahalaan ng Israel na tratuhin ng mabuti ang mga Filipino Migrants na nakataktang pauwiin ng Pilipinas.

Nakipagpulong si Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Leslie Baja kay Israel Ministry of Foreign Affairs Deputy Director General Gilad Cohen hinggil sa usapin.

Hiniling ni Assistant Secretary Baja kay Cohen na bilang bahagi ng mabuting relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Israel ay marapat lamang na tratuhin ng maayos ang mga overstaying Filipino na kailangan nang mapabalik ng Pilipinas.

Lalo na ayon kay Baja at mayroong mga bata kasama ang kanilang mga magulang na kasama sa maaring mapa-repatriate.

Iginiit din naman ni Baja kay Cojen na responsibilidad ng mga Filipino workers na sundin ang immigration laws sa Israel.

Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola inihanda na ng DFA ang reintegration assistance sa lahat ng mapapauwing Pinoy.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa OWWA para sa dagdag na tulong sa mga uuwing manggagawa.

TAGS: DFA, Filipino Migrants, israel, DFA, Filipino Migrants, israel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.