NFA rice mananatili pa sa merkado – DA
Mananatili pa sa merkado ang NFA rice.
Ito ang paglilinaw ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol, matapos mapaulat na hanggang sa buwan ng Agosto na lang mabibili ang NFA rice.
Ayon kay Piñol, maaring lumagpas pa ng Agosto ang stocks ng NFA rice.
Ang huling import kasi aniya ng NFA rice ay nasa 750,000 metric tons ang dami.
Sa ilalim ng rice traffication law, hindi na mag-aangkat ng bigas sa ibang bansa ang NFA.
Pero ayon kay Piñol, magiging available pa rin naman ang NFA rice sa merkado dahil may bibilhin pa ring bigas ang DA.
Gayunman, ang magiging halaga nito ay dedepende aniya sa kung ano ang mapagkakasunduan ng policymakers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.