Tatlong Pinoy na nakulong sa Hong Kong mapapalaya na sa Marso

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2019 - 08:58 AM

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaasistihan ng pamahalaan ang tatlong call center agents na nakulong sa Hong Kong dahil sa pagkakasangkot sa scam sa pagbubukas ng bank bank accounts gamit ang pinekeng mga dokumento.

Sa ulat ni Consul General Antonio Morales, pinakakalooban ng legal assistance ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang tatlong Pinoy.

Binisita na rin ng mga kinatawan ng konsulada ang tatlo sa kanilang selda.

Ang tatlo ay hinatulang makulong sa loob ng 5-buwan matapos maghain ng guilty plea sa dalawang bilang ng kasong “using a false instrument”.

Sa Marso ay inaasahang mapapalaya na sila.

Nagtungo sa Hong Kong ang tatlo gamit ang pinekeng mga dokumento, nagbukas ng bank accounts sa Bank of China at Standard Chartered Bank na sa hinala ng mga otoridad ay gagamitin para sa money laundering.

TAGS: DFA, Hong Kong, three Filipino tourist, DFA, Hong Kong, three Filipino tourist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.