Mga motorista inabisuhan sa grand motorcade para kay Miss Universe Catriona Gray ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2019 - 08:24 AM

Muling nagpaalala ang Makati City government sa magaganap na Grand Motorcade at Ticker Tape Parade para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon sa abiso ng Makati City, ang parada ay gagawin sa kahabaan ng Sen. Gil Puyat Avenue (mula sa Taft Avenue) at Ayala Avenue (mula Sen. Gil Puyat Avenue patungong EDSA).

Sisimulan ang parada alas 4:00 ng hapon mamaya patungong Freedom Park malapit sa Ayala Ave. at Sen. Gil Puyat Ave. intersection.

Matapos ito ay didiretso ang parada sa Central Business District sa pamamagitan ng pagtahak sa Ayala Avenue.

Magtatapos ang parada sa Glorietta/EDSA.

Magpapatupad ng stop and go scheme sa mga intersections kapag daraan na ang parada.

Ayon sa Makati Public Safety Department ang mga apektadong motorista ay maaring gamitin ang sumusunod na kalsada:

(Eastbound vehicles at Sen. Gil Puyat Ave. heading towards Ayala Ave.)
– right turn to Washington St.
– left turn to Dela Rosa St.
– pass through Pasong Tamo Ave.
– right turn to Amorsolo St.
– left turn to V.A. Rufino St.
– right turn to Dela Rosa St.
– towards Makati Avenue or Mandaluyong City.

TAGS: Catriona Gray, Grand Parade, makati city, Catriona Gray, Grand Parade, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.