2 Japanese nationals, sugatan sa aksidente sa Quezon

By Angellic Jordan February 20, 2019 - 09:57 PM

Sugatan ang dalawang Japanese nationals makaraang bumangga ang isang pampasaherong bus sa kanilang sasakyan sa Pagbilao, Quezon Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga biktima na sina Koichi Tsutsui, 56-anyos, at Shunichi Takashi, 55-anyos.

Minamaneho ni Tsutsui ang Toyota Hi-Ace van sakay si Takashi patungong Maynila nang biglang bumangga ang P&O bus sa Maharlika Highway pasado ala 1:00 ng madaling-araw.

Tumama ang bus sa unang bahagi ng van.

Agad itinakbo ang mga biktima sa MMG Hospital malapit sa Lucena City.

Ang drayber ng bus na si Edwin Ondevilla ay nasa kustodiya na ng Pagbilao police jail.

TAGS: aksidente, bumangga, bus, Japanese nationals, pagbilao, Pagbilao Police Office, Quezon, van, aksidente, bumangga, bus, Japanese nationals, pagbilao, Pagbilao Police Office, Quezon, van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.