Mataas na lider ng Maute group sumuko sa Lanao Del Sur
Sumuko sa militar ang isang top leader ng Maute terror group.
Sinabi ni Lt. Col. Edgar Allan Villanueva ng 49th Infantry Battlion na sumuko si Aloyodan Bantak, alyas “Ibrahim” sa tulong ng ilang local officials mula sa bayan ng Lumba Bayabao sa lalawigan ng Lanao Del Sur.
Sa isinagawang interogasyon ng militar ay sinabi ni Bantak na kabilang siya sa naganap na Butig siege noong 2016 at ang siya rin ang recruiter ng Owaida Marohombsar group ng Maute.
Kasamang isinuko ni Bantar ang kanyang M16 rifle, dlawang granade launchers at ilang mga bala.
Noong Lunes ay tatlong Daesh-Maute remnants ang sumuko rin sa 49th Infantry Battalion (49IB) sa bayan ng Sultan Dumalondong, Lanao del Sur.
Sinabi ni Col. Romeo Brawner, 103rd Infantry Brigade commander na inaasahan pa nila ang pagsuko ng ilang miyembro ng teroristang grupo.
Ito ay makaraang pasimulan ng militar ang kanilang all-out-war laban sa lahat ng terror group sa Mindanao makalipas ang naganap na Jolo, Sulu Cathedral bombing kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.