Hirit ng NYC na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sasama sa “anti-gov’t rallies” sinupalpal ng Malakanyang
Hindi pabor ang Palasyo ng Malakanyang sa panukala ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sasama sa mga rally na kontra sa gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iginagalang ng palasyo ang layunin ng mga estudyante na maghayag lamang ng kanilang damdamin.
Katunayan, ang pangulo pa nga aniya ang humihimok sa publiko na mag- rally basta’t siguraduhin lamang na naayon sa batas ang malayang pamamahayag.
Hindi rin aniya sapat na basehan na tanggalan ng scholarship ang mga estudyante na miyembro o kasapi lamang ng mga makakabilang grupo.
Matatanggalan lamang aniya ng scholarship ang isang estudyante kapag may matibay na ebidensya na salungat sa mga itinatkda ng batas.
Gayunman ibang usapin na aniya kung kasama ang estudyante sa pagpaplanong pabagsakin ang gobyerno.
Lalong hindi rin aniya kukunsintihin ng palasyo ang armadong pakikibaka ng mga estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.