QC Council hiniling sa MMDA na iurong ang petsa ng pagsasara ng Tandang Sora flyover
Inirekomenda ng Quezon City government sa Metropolitan Manila Development Auhority (MMDA) na ipagpaliban ang nakatakdang pagsasara ng Tandang Sora flyover.
Sa Sabado, Feb. 23 dapat ipatutupad ang pagsasara ng flyover dahil sa konstruksyon ng MRT-7.
Sa isinagawang public consultation, hiniling ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, na ipagpaliban ang closure ng isang linggo pa.
Maliban sa QC Council, dumalo din sa public consultation ang DPWH, QC police, at kinatawan ng mga establisyimento sa Commonwealth Avenue na malapit sa Tandang Sora flyover at maaring maapektuhan ng closure.
Maging ang pamunuan ng Diliman Doctors Hospital ay hiniling din na ipagpaliban ang pagsasara ng flyover.
Ayon kay Dr. Lani Ancheta, presidente at CEO ng pagamutan, baka ang mga emergency cases na isusugod sa kanilang pagamutan ay maapektuhan ng matinding traffic na idudulot ng pagsasara ng Tandang Sora flyover.
Ayon naman kay MMDA General Manager Jojo Garcia ii-endorso niya ang rekomendasyon sa Department of Transportation (DOTr).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.