Mga miyembro na bubuo sa Bangsamoro Transition Authority manunumpa na kay Pang. Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 10:08 AM

Manunumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro na bubuo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Ayon sa Malakanyang magaganap ang oath-taking ceremony at ceremonial confirmation sa Biyernes, February 22.

Hindi pa naman inilalabas ng Malakanyang ang listahan ng pangalan ng 80 miyembro ng BTA na mamumuno sa bagong Bangsamoro region.

Si Pangulong Duterte ang hihirang sa BTA members kabilang ang chief minister.

Ang mga kasalukuyang opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay otomatikong magiging miyembro ng BTA hanggang sa mapaso na ang kanilang termino sa June 30, 2019.

Pagkatapos makapanumpa ng mga miyembro at lider ay mabubuo na ang BTA at magsisilbi itong interim government para sa BARMM hanggang sa sumalit ang eleksyon doon sa 2022.

TAGS: Bangsamoro Autonomous Region, bangsamoro transition authority, BARMM, Bangsamoro Autonomous Region, bangsamoro transition authority, BARMM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.