Maaliwalas na panahon mararanasan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2019 - 06:25 AM

Ang Northeasterly Surface Windflow ang umiiral ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ito ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated na mga pag-ulan sa Bicol Region, mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan din ang mararanasan sa Eastern Visayas at sa Mindanao na mayroong isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorsm.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA wala namang sama ng panahon na inaasahang mabubuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na tatlong araw.

TAGS: Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, weather, Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.