Duterte: Trillanes, mahilig gumawa ng isyu
Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV dahil sa panibagong kritisismo nito tungkol sa war on drugs at sa pagbiyahe ng presidente sa Hong Kong noong weekend.
Noong Linggo, sinabi ni Trillanes na kaya maraming Filipino ang naniniwalang kaunti na lang ang drug addicts ay dahil libu-libo ang pinatay ng gobyerno ng walang due process.
Sa talumpati sa Davao City, nanggalaiti ang presidente kay Trillanes at sinabing mahilig ang senador na maniwala sa mga datos mula sa kritiko at sa ibang mga bansa.
“You don’t even know how to count. You kowtow to the figures of foreigners. You go to America, Trillanes,” ayon sa presidente.
Binanatan din ng pangulo si Trillanes sa pagsasabi nitong ang kanyang pag-alis noong weekend ay para sumailalim sa check-up, maglipat ng pera o hindi kaya ay pareho.
Iginiit ni Pangulong Duterte na ang kanyang pagtungo sa Hongkong ay para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang asawa sa utos ng anak na si Kitty.
Ayon sa presidente, binabayaran ng taumbayan si Trillanes na ang ginagawa lamang ay gumawa ng isyu.
“This Trillanes, you are paying a public servant who was just there to nitpick issues,” dagdag ng presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.