Pagbuo sa Philippine Sports Training Center, aprub kay Duterte
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na bubuo sa isang ‘state-of-the-art’ at ‘highly-scientific’ sports complex na tatawaging Philippine Sports Training Center.
Ang RA 11212 o ang Philippine Sports Training Act ay nilagdaan ni Duterte noong February 14.
Layon nitong maitaguyod at mapalakas ang larangan ng sports sa bansa.
Nais ng gobyerno na magpamalas ng kahusayan ang Pilipinas sa international sports competitions tulad ng Olympics.
Ang bubuoing PSTC ay lalaanan ng P3.5 bilyong budget at magiging tahanan ito ng national teams.
Ayon sa batas, magkakaroon ang PSTC ng modernong mga kagamitan na makakasabay sa international standards bukod pa sa mga pagsasanay na sumailalim sa masusing mga pag-aaral.
Ang Philippine Sports Commission ang inatasang mangasiwa sa bubuoing training center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.