PNP maglalabas ng sariling narco list bago ang 2019 midterm elections
Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na maglalabas sila ng listahan ng mga kandidatong sangkot sa ilegal na transaksyon ng droga bago ang 2019 midterm elections.
Sa isang panayam, sinabi ni P-N-P spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac na patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at validation sa listahan.
Iginiit ni Banac na magkakaroon ang PNP ng mga matitibay na ebidensya para suportahan ang ilalabas na listahan.
Sakaling mapatunayang sangkot sa illegal drug trade, saka pa lamang aniya maaaring ilabas ang listahan at maghain ng kaso laban sa mga ito.
Nauna na ring sinabi ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dapat umiwas ang publiko sa pagboto sa mga kandidatong sangkot sa illegal drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.