Panukalang taasan ang recruitment ng mga babaeng pulis lusot na sa second reading ng Kamara

By Erwin Aguilon February 19, 2019 - 12:09 PM

Inquirer.net Photo

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala para sa pagtaas ng porsyento ng female recruitment sa Philippine National Police (PNP).

Sa viva voce voting inaprubahan ang House Bill 9058 na mag-aamyenda sa RA 8551 o ang ‘PNP Reform and Reorganization Act of 1998’.

Sa ilalim ng panukala, mula sa 10% ay itataas sa 15% ang annual recruitment ng PNP para sa policewomen.

Itataas naman ang annual recruitment sa mga babaeng pulis sa 20% para sa mga susunod na taon.

Layunin ng nasabing batas na tiyaking may sapat na bilang ng mga babaeng pulis na itatalaga sa Women and Children Protection Desks sa bawat police stations.

Bukod dito, nais din ng panukala na maiwasan ang mga pangaabuso ng mga lalaking pulis sa mga kababaihan at kabataan na dudulog sa PNP.

TAGS: PNP, policewomen, recruitment, PNP, policewomen, recruitment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.