Iranian na nanakit ng pulis sa Puerto Galera iniimbestigahan na ng BI
Nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) sa isang dayuhang turista na nasangkot sa pananakit sa isang pulis sa Puerto Galera.
Ayon ka Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval sa ngayon ay inaalam na ng kanilang ng legal division ang buong pangyayari.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya sa Puerto Galera, dinakip ang dayuhang si Fereshteh Marboyeh matapos magwala at maghubad sa pampublikong lugar dahil sa labis na kalasingan.
Nang dumating sa presinto ay sinipa, sinuntok at pinasok pa nito ng sigarilyo ang isang pulis na naka-duty.
Dahil dito, kinasuhan ang dayuhan ng direct assault on person on authority.
Sinabi ng BI na ang ang magiging resulta ng imbestigasyon ng kanilang legal division ay maaring magamit bilang batayan para sa motu propio na paghahain ng deportation case laban sa dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.