Arestado ang isang suspek sa kasong murder sa operasyon sa Brgy. Manggalang Bantillan sa Sariaya, Quezon
Sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Maria Cecilia Austria-Chua ng Batangas City Regional Trial Court (RTC) Branch 2, inaresto si Antonio Marasigan, 53 anyos, residente ng Candelaria, Quezon.
Si Marasigan ay suspek sa pagpatay sa isang Comelec officer sa bayan ng Mabini.
Nahuli ang suspek ng Joint Operatives ng Bauan Municipal Police Station, Sariaya Municipal Station at Regional Intelligence Units sa PNP Region 4A.
Si Marasigan ay itinuturing na Number 2 most wanted person sa lalawigan ng Batangas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.