Bloke ng hinihinalang cocaine, nakuha sa dalampasigan sa Quezon
Isang bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan sa coastline boundary ng Brgy. Rosario at San Jose sa Mauban, Quezon.
Lunes ng umaga nang makita ng mga residente ang isang bagay at nang tanggalin ang balot ay nakita na may laman itong puting sangkap.
Agad na pinagbigay alam ng mga tanod ng Brgy. san jose sa mga otoridad ang kanilang nakita.
Duda ang mga otoridad na posibleng cocaine ang napulot sa dalampasigan.
Dinala ang bloke ng cocaine sa Quezon Crime Laboratory para sa pagsusuri.
Nag-imbestiga naman ang mga Police Stations sa coastal areas ng Quezon dahil posibleng may mga pakate pa ng cocaine na napadpad sa dalampasigan.
Kahapon araw ng Linggo ay may nakita ring isang bloke ng cocaine sa Paracale, Camarines Norte habang unang nadiskubre ang 40 bloke ng cocaine sa Siargao Islands noong Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.