Mga nakagagawa ng election offenses dapat makulong

By Ricky Brozas February 18, 2019 - 10:59 AM

Naniniwala ang dating commissioner ng Commission on Human Rights na si Atty. Nasser Marahomsalic na dapat makulong ang mga lumalabag sa election law.

Ito ay para hindi na aniya nagpapaulit-ulit kada eleksyon ang mga paglabag ng mga kandidato.

Malinaw ani Marahomsalic ang batas sa eleksyon pero ang problema ay hindi naipatutupad ng tama kaya patuloy na nadagdagan ang mga paglabag sa halalan.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila, sinabi naman ni Breeza Rosales, Junior Project Director ng LENTE, naniniwala siyang seryoso ang Commission on Elections sa kanilang ginagawang pagpapatupad ng batas.

Samantala, ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay magsisimula nang mag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para tumulong sa pagbaklas ng mga poster at tarpaulin na nasa bawal na lugar.

TAGS: comelec, election offense, Radyo Inquirer, comelec, election offense, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.