Special Investigation Task Group binuo para imbestigahan ang pagpatay sa negosyante at kaniyang driver sa EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2019 - 08:22 AM

Inquirer Photo/RICHARD REYES

Bumuo na ang special investigation task group (SITG) ang Eastern Police District (EPD) para imbestigahan ang pananambang na naganap sa EDSA-Mandaluyong na ikinasawi ng isang negosyante at kaniyang driver, Linggo ng hapon.

Pinagbabaril ng motorcycle-riding gunmen ang van na sinasakyan nina Jose Luis Yulo, 62 anyos at driver nitong si Allan Nomer Santos habang binabaybay nila ang EDSA-Reliance southbound.

Kapwa nasawi ang dalawa habang nasugatan naman ang isang pang sakay ng van na si Esmeralda Ignacio.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief, Dir. Guillermo Eleazar, sa isinagawang otopsiya, 9 na tama ng bala ng baril ang tinamo ni Yulo.

Sisiyasatin aniya ng Task Group Yulo ang surveillance footage sa lugar.

Dagdag pa ni Eleazar, hihikayatin nila ang mga lokal na pamahalaan sa NCR na pag-aralan ang posibilidad na ipagbawal ang rinding in tandem lalo na kung hindi magka anu-ano ang magka-angkas sa motorsiklo.

Ang biktimang si Jose Luis Yulo ay mister ni ng theater actress na si Menchu Lauchengco-Yulo.

TAGS: crime, EDSA ambush, Jose Luis Yulo, Menchu Lauchengco-Yulo, Metro Manila, NCR, NCRPO, Task Group Yulo, crime, EDSA ambush, Jose Luis Yulo, Menchu Lauchengco-Yulo, Metro Manila, NCR, NCRPO, Task Group Yulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.