PAGASA: Amihan patuloy na umiiral sa buong bansa
Walang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, sa ngayon ay patuloy na umiiral ang northeason monsoon o Hanging Amihan sa halos kabuuan ng bansa.
Nauna nang sinabi kahapon ng weather bureau na mararamdaman ang lamig na dulot ng Amihan hanggang sa katapusan ng Pebrero.
Dahil sa epekto ng Amihan, ngayong araw ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley region, Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon at mababa ang tyansa ng mga pag-ulan.
Malayang makakapalaot ang mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.