Inday Sara walang planong tumakbo sa pagkapangulo
Walang planong tumakbo sa pagkapresidente si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sinabi ito ng nakababatang Duterte kasunod ng pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi siya magugulat kung si Sara ang susunod pa presidente.
Sa kanyang mensahe sa INQUIRER.net, iginiit ni Duterte-Carpio na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo dahil lahat ng nangyayari sa buhay niya ngayon ay malayo sa kanyang plinano.
Ayon sa presidential daughter, ang lahat ng nangyayari ay kalooban ng Diyos kaya’t walang saysay ang pagpaplano.
“I studied to be a doctor and then I became a lawyer. I wanted to be a housewife but I am now a politician. I have learned that my life is not mine, it is always God’s will, in God’s time, and planning is futile,” ani Inday Sara.
Hindi ito ang unang beses na nadawit ang pangalan ni Duterte-Carpio sa 2022 presidential elections sa kabila ng paulit-ulit niyang pahayag na hindi siya tatakbo sa isang pambansang pwesto.
Samantala, sinabi ni Carpio na sa ngayon ay naka-focus muna siya sa pangangampanya para sa 13-man senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Ngayong araw ay nakatakdang mangampanya ang HNP sa Ilocos Norte at sa Isabela naman bukas, araw ng Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.