Robredo: Mga magsasaka dapat maproteksyunan sa rice tariffication law

By Rhommel Balasbas February 18, 2019 - 02:14 AM

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa administrasyong Duterte na tiyaking mapoproteksyunan ang mga magsasaka sa mga negatibong epekto ng rice tariffication law.

Sa kanyang radio show, sinabi ng bise presidente na dapat ay may ‘safety nets’ para siguruhin ang kapakanan ng mga magsasaka.

Nangangamba anya siya na ang bagong batas ay matulad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law kung saan mabagal ang ayuda ng gobyerno sa mga apektadong pamilya.

Ayon kay Robredo, makakaapekto sa local farmers ang rice tarrification law dahil pipiliin ng rice dealers na bumili ng mas murang suplay.

Dahil dito ay sigurado anyang mababawasan ang kita ng mga magsasaka.

Sa ilalim ng rice tariffication law, magiging unlimited ang importasyon ng bigas basta’t may permit ang trader mula sa Bureau of Plant Industry at magbabayad ng 35% na taripa para sa mga shipments.

Samantala, nakikita naman ni Robredo na may mabuting epekto ang batas lalo na para sa mga consumer dahil sa inaasahang mas mababang presyo ng bigas.

TAGS: rice tarrification law, Vice President Leni Robredo, rice tarrification law, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.