Gordon, dinepensahan si Acosta ukol sa hiling na magbitiw ito sa pwesto
Ipinagtanggol ni Senador Richard Gordon si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta ukol sa nais ng ilang opisyal ng gobyerno na magbitiw siya sa pwesto.
Pinagbibitiw si Acosta dahil sa umano’y idinulot nitong takot sa publiko kaugnay ng vaccination program ng gobyerno.
Naging maugong ang isyu ng Dengvaxia vaccine dahil sa mga hawak na kaso ng PAO hinggil dito.
Sa isang panayam, sinabi ni Gordon na hindi nagdulot ng pagkaalarma sa publiko si Acosta pagdating sa pagpapabakuna.
Ginagawa lang aniya nito ang kanyang trabaho para sa mga mahihirap.
Ayon pa sa senador, kung hindi ito inaksyunan ni Acosta, hindi matatakot ang mga opisyal ng Department of Health (DOH).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.