PAGASA: Walang sama ng panahon sa bansa sa loob ng 2-3 araw

By Rhommel Balasbas February 17, 2019 - 05:46 AM

Wala pa ring namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, hanging Amihan pa rin ang weather system na umiiral sa buong bansa.

Ngayong araw, ang Caraga at Davao Region ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan dahil sa Amihan.

Bahagya hanggang sa maulap na kalangitan naman ang mararanasan sa buong Luzon, Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao na may posibilidad lamang ng mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.

Magandang balita naman sa mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning o ligtas ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng bansa.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.