Sunog sumiklab sa residential area sa Sta. Ana, Manila

By Len Montaño February 17, 2019 - 02:11 AM

Screenshot of Kayci David video

(Update) Nawalan ng bahay ng 30 pamilya sa sunog sa residential area sa Cristobal Street sa Punta, Sta. Ana, Manila Sabado ng gabi.

Nagsimula ang sunog alas 10:59 Sabado ng gabi.

Nagdeklara ng fire under control alas 11:55 ng gabi at umabot ng second alarm bago tuluyang naapula ilang minuto makalipas ang alas 12:00 ng madaling araw.

Sa video na pinost ni Kayci David mapapanood ang malaking apoy sa lugar.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa kahoy ang ilang bahay.

Ayon sa mga residente, nagsimula ang sunog sa tindahan ng mga piyesa ng sasakyan.

Nangyari ang sunog kasunod ng pagdiriwang ng mga residente sa piyesta sa lugar.

Sa ngayon ay walang naiulat na nasaktan sa sunog.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog habang ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian ay tinatayang nasa P400,000.

TAGS: piyesa, piyesta, Punta, residential area, Sta. Ana, sunog, piyesa, piyesta, Punta, residential area, Sta. Ana, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.