UPDATE: Heat wave sa Pakistan, mahigit 700 na ang patay

June 24, 2015 - 03:48 PM

APTOPIX Pakistan Heatstroke
Larawan mula sa AP

Umabot na sa 744 ang nasawi sa Sindh Province sa Pakistan dahil sa nararanasang heatwave doon.

Sa Report ng Inquirer.net, puno na ang mga ospital at mga morgue dahil sa dami ng mga nasawi.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Karachi, na pinakamalaking lungsod at itinuturing na commercial hub sa Pakistan.

Ayon sa report, umaabot sa 45 degrees Celsius ang temperatura sa Karachi nitong nagdaang weekend. Nakaranas pa ng ilang oras na power outages kaya hindi napagana ang mga air conditioners.

Naapektuhan din ng kawalan ng kuryente ang water supply sa Karachi. Ang ilang residente kahit mahal ang bayad ay nagpadeliver at nagbayad ng tubig mula sa mga nagsusuplay na tankers.

Sinabi ni Saeed Mangnejo, top administrative health official sa Sindh, umabot na sa 622 ang nasawi, pinakamarami ditto ay mula sa Karachi habang ang 19 ay mula sa ibang bahagi ng lalawigan.

Karamihan sa mga nasawi ay may edad na habang libo-libo pa ang ginagamot sa mga heat-related diseases gaya ng lagnat at dehydration.- Dona Dominguez-Cargullo/Jong Manlapaz

TAGS: heat wave, pakistan, Radyo Inquirer, heat wave, pakistan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.