Malacañang masaya sa resulta ng SWS survey na pabor sa war on drugs

By Den Macaranas February 16, 2019 - 08:41 PM

Ipinagyabang ng Malacañang ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagsasabing 66-percent o anim sa bawat sampung mga Pinoy ang nagsasabing nabawasan ang bilang ng mga drug users sa kanilang mga lugar.

Patunay ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na tama ang pamahalaan sa ginagawa nitong kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Panelo na bagaman binabatikos ng kanyang mga kritiko ay determinado ang pangulo na ituloy ang kanyang war on drugs.

Ito ay bilang pagtalima sa kanyang pangako noong eleksyon na pipilitin niyang durugin ang mga sindikato ng droga sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ang nasabing survey ay ginawa ng SWS sa pagitan ng December 16 hanggang 19 taong 2018.

Tinanong SWS ang kanilang 1,800 sa nationwide survey sa kung tingin nila ay nabawasan ang mag gumagamit ng droga sa kanilang lugar.

Sinabi pa ni Panelo na hindi lamang sa bansa kundi maging sa abroad ay umani ng approval sa ilang world leaders ang anti-drug campaign ng pamahalaan.

TAGS: duterte, panelo, sws survey, War on drugs, duterte, panelo, sws survey, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.