Tatlong malalakas na pagsabog ang bumulabog sa mga residente sa Barangay Tanum sa bayan ng Patikul, Sulu kaninang tanghali.
Nangyari ito habang isinasagawa ang medical mission ang 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Tanum Elementary School para sa mga sibilyan na apektado sa gulo.
Naganap ang pagsabog kaninang alas 12:30 ng tanghali sa kabundukan ng Patikul kung kaya nagtakbuhan ang mga tao.
Bagaman malakas ang pagsabog ay wala namang naitalang namatay o nasaktan ang mga otoridad.
Ayon kay Lt. Col. Diosdado Pambid ng 6th Division Special Forces Battalion, ang pagsabog ay kagagawan ng sa Abu Sayyaf Group.
Posible ayon sa opisyal na may kaugnayan ito sa nagapan na pagpapasabok sa Jolo Cathedral noong nakalipas na buwan.
Magugunitang kamakailan lang ay isang bakbakan rin ang naganap sa bayan ng Patikul sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group na nagresulta sa kamatayan ng limang sundalo at tatlong bandido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.