Albayalde at Eleazar binigyan ng pagkilala sa PMA alumni homecoming
Pinangunahan ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang mga recipient ng Cavalier Award sa alumni homecoming ng Phlippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
Ang Cavalier Award ang siyang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay sa mga nagtapos sa nasabing premier military school sa bansa.
Kinilala ng PMA Alumni Association ang naging ambag ni Albayalde sa paglaban sa kriminalidad noong siya pa ang pinuno ng NCRPO.
Binigyan naman ng pagkilala ang matagumpay na pamumuno noon ni Eleazar noong siya pa ang pinuno ng Quezon City Police District Office.
Kabilang rin sa mga kinilala sa pagtitipon ay sina Ronnie Gil Gavan (PMA Class 1993, for Coast Guard Operations); Philippine Army Sniper Task Group Commander Harold Nemeño (PMA Class 1998, for Special Operations); SEAL Unit Commanding Gilbert Villareal (PMA Class 1998, for Naval Operations) at Ramon Flores (PMA Class 1994, for Army Operations).
Awrdee rin sina Director for Operations ng 5th Fighter Wing Rolando Peña III (PMA Class 1997, for Air Operations); Leo Angelo Lieuterio (PMA Class 1998, for Alumni Affairs); Jesus Lomeda Jr. (PMA Class 1980, for Special Field); Fernando Mesa (PMA Class 1975, for Public Administration) at Louie Ticman (PMA Class 1976, for Private Enterprise).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.