PAGASA: Mahihinang pag-ulan mararanasan sa Visayas at Caraga dahil sa Amihan
Patuloy pa ring mararanasan ang may kalamigang panahon sa buong bansa dahil sa Hanging Amihan.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, sa Metro Manila at buong Luzon ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Sa buong Visayas at Caraga region sa Mindanao, bunsod ng epekto ng Amihan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.
Sa nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay maaliwalas ang panahon na may posibilidad ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Magandang balita naman para sa mga mangingisda dahil walang gale warning na nakataas saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.